Header Ads Widget

Karen Reyes, Ibinahagi ang Sinapit ng Kanyang Anak at Nagbigay Babala sa mga Magulang Ukol Dito

Kamakailan lamang ay nagbahagi sa kanyang social media account ng babala para sa mga kapwa niya magulang ang celebrity mom at aktres na si Karen Reyes, ito nga matapos ng sinapit ng kanyang anak.

Photo credits: Karen Reyes |IG

Sa kanyang Instagram post ay ibinahagi ni Karen ang naging karanasan ng kanyang anak. Pagbabahagi niya kamakailan nga lamang ay napansin niya ang pagkakaroon ng singaw ng kanyang anak, at inakala nga niya na ito ay simpleng singaw lamang na mawawala din.
Ngunit umabot nga umano sa lalamunan ang singaw ng kanyang anak at kalaunan nga ay nilagnat na ito, kaya naman naisip niyang painumin na ito ng gamut para sa lagnat.

Photo credits: Karen Reyes |IG

“November 4, nung nilagnat si Lukas akala ko non sa pagod lang. November 5, lunchtime, kumakain pa siya at nakakadede. Nung hapon I noticed ang pamumula ng gums niy. So when I checked it up, nakakita ako ng mga singaw hanggang sa lalamunan. So ako sa singawin sabi ko mawawala din. So I gave him paracetamol lang for fever”, ani Karen sa kanyang IG post.

Photo credits: Karen Reyes |IG

Kuwento pa ni Karen, sinubukan din niyang ipa-check -up online ang kanyang anak na si Lukas, at ito nga ay niresetahan ngantibiotic. Ngunit dahil hirap siyang painumin ng gamot ang kanyang anak, at napansin niyang ito nga ay nahihirapan na, nagdesisyon umano siya na isugod na ito sa ospital pero dahil sa protocols nga ay kinailangan pa nilang mag-antay ng 24-oras para sa magiging resulta ng swab test nila.

Photo credits: Karen Reyes |IG

Nang lumabas ang resulta ng swab, ay kaagad ngang isinugod ang anak niyang si Lukas sa emergency room. At ilang oras nga lamang ang lumipas, ay nagbahagi na siya ng update tungkol sa kalagayan ng kanyang anak.

“Until now mapula pa din ang gums niya pero nakakadede at nakakain na siya paunti-unti kahit may kaunting singaw pa sa dila. Pero naka-admit pa din kami. Para makapag-antibiotic pa din”,saad nga ng aktres.

Photo credits: Karen Reyes |IG

Ayon kay Karen, sabi ng Doktor na tumingin sa kanyang anak ay ang pagiging mababa ang resistensya ang sanhi ng pagkakaroon ng singaw ng anak niyang si Lukas. Sanhi rin umano nito an gang sobrang pagkain ng matamis at kaunti kong uminom ng tubig.

“’Sabi ng Doctor ang cause ng singaw is because mababa ang resistensya (so mga mommies), VITAMINS is REALLY A MUST tinigil ko kasi ang vitamins niya dahil niluluwa niya lang) and because of too much sweet tapos konti ang water intake.”

Sa huli ay nag-iwan nga si Karen sa mga kapwa niya magulang ng paalala at sinabing hindi dapat binabalewala ang mga ganitong sitwasyon tulad ng nangyari sa kanyang anak.



Karen Reyes, Ibinahagi ang Sinapit ng Kanyang Anak at Nagbigay Babala sa mga Magulang Ukol Dito
Source: PH Forward

Mag-post ng isang Komento

0 Mga Komento