Header Ads Widget

Unli Steak House sa Pampanga, Kumikita ng Halos PhP1 Million sa Isang Buwan

Isa ang mga Pilipino sa mga taong kinahihiligan ang budget meals. Binabalik-balikan din nila ang mga restaurant na mayroong unlimited meals dahil bukod sa mas mura ito, sulit na sulit ang ibinabayad ng mga customers dahil talagang masasarap din ang mga pagkain dito. Ganito rin ang naging ideya sa likod ng dinarayong steak house na ito sa Pampanga.

Ayon sa may-ari ng steak house na si Mark Joseph Buela, wala umano silang hanap-buhay noon kaya naman naisip nilang magtinda ng mga pagkain online. Perpekto ang negosyong ito para sa pamilya ni Mark dahil may kaunting kaalaman na ang kaniyang asawa sa pagluluto.

Photo credits: Pera Paraan | GMA Network

Photo credits: Pera Paraan | GMA Network

Para naman sa pagkaing kanilang ibebenta, naisip ni Mark na kadalasan ay gumagastos ang mga tao ng Php1,000 o higit pa para lamang makatikim ng masasarap na steak. Dahil dito, nagkaroon siya ng ideya na magbenta ng de kalidad na steak sa murang halaga lamang. Dito na nga nagsimula ang Fiery Meats kung saan maaaring matikman ng mga customers ang kanilang unlimited steak sa halagang Php399 lamang.

Photo credits: Pera Paraan | GMA Network

Photo credits: Pera Paraan | GMA Network

Unti-unting nakilala ang kanilang negosyo kaya naman mula sa kanilang munting online food business, nagkaroon na rin sila ng food cart. Hindi nagtagal, lalo pang naging matagumpay ang kanilang negosyo kaya naman nagtayo na sila ng maliit na restaurant sa kanilang garahe.

Photo credits: Pera Paraan | GMA Network

Tuloy-tuloy ang naging tagumpay ng negosyo ni Mark kaya naman upang maserbisyuhan nang mas maayos ang kanilang mga customers, nagtayo na rin siya ng sariling pwesto sa Bacolor, Pampanga.

Talaga namang malayo na ang narating ng simpleng food business ni Mark. Mula sa kapital na PhP15,000, ngayon ay kumikita na sila ng PhP650,000 hanggang PhP1 million sa loob ng isang buwan. Dahil sa tagumpay na ito, ibinahagi ni Mark ang kaniyang naging sekreto sa kanilang best seller na steak.

Photo credits: Pera Paraan | GMA Network

Mapapansin na talaga namang hindi tinitipid ni Mark ang kaniyang mga customers pagdating sa mga sangkap at lasa ng kaniyang mga steak. Mayroon din silang inihahandang special sauce para dito. Bukod sa paghahanda ng de kalidad na pagkain, pinag-aralan din ni Mark ang kaniyang negosyo upang masiguro na kikita sila rito.

Photo credits: Pera Paraan | GMA Network

Dagdag pa niya, kailangang laging handa ang mga taong papasok sa anumang negosyo. Higit sa lahat, kailangang patuloy rin ang pananalangin.



Unli Steak House sa Pampanga, Kumikita ng Halos PhP1 Million sa Isang Buwan
Source: PH Forward

Mag-post ng isang Komento

0 Mga Komento